56

Dec 27, 2017 @ 12:26

Chinese President Xi Jinping, nag-alok ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Vinta

Nagpaabot ng pakikiramay kay Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese President Xi Jinping matapos ang pagkamatay ng daang katao at pagkasira ng mga kalsada at pananim sa bagyong Vinta.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Xi na ipinapaabot niya ang simpatiya sa mga nasalanta ng bagyo at sinabing handa silang tumulong sa pinsalang idinulot ng bagyo.

Nag-alok ito ng emergency assistance sa mga lugar na naapektuhan para sa rescue and relief ops.

Tiwala si Xi na dahil sa magaling na pamumuno ng Pangulo at ng gobyerno, malalampasan ang trahedya at mabubuong muli ang mga nasira ng bagyo sa Mindanao.

Nanalasa ang bagyong Vinta sa ilang parte ng Mindanao na nagresulta ng mataas na pagbaha at pagragasa ng makapal na putik, at nag-iwan din ng higit sa 300 na patay at nawawala, 70K katao rin ang nawalan ng tirahan dahil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?