14

By

Chinese President Xi Jinping bibisita sa Pilipinas ngayong taon

Sharing is caring!

Tinanggap ni Chinese President Xi Jinping ang imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa bansa.

Sa press briefing ng mga opisyal sa Hongkong, kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na timanggap ng Chinese Premiere ang imbitasyon subalit wala pang takdang petsa.

Mayroon aniyang mga dapat ikunsidera kung kailan magaganap ang gagawing pagbisita dahil ihahanda ang mga posiblenf kasunduan na maaaring malagdaan sa pagitan ng dalawang bansa.

“I will confirm that we have invited President Xi for number of times and he accepted subject to the time that is mutually convenient. So we are readying for the end of the year but we dont have final plans yet,” ani Cayetano.

Sinabi ng kalihim na ang ganitong “high level visits”ay resulta ng tiwala sa isa’t isa nina Pangulong Duterte at President Xi.

Nauna rito sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maraming pasalubong na mga proyektong maibabalita si Pangulong Duterte pagbalik nito sa bansa batay sa mga kasunduang nilagdaan sa Hainan, China.

Lahat aniya ng mga iuuwing projects mula sa China ay magiging daan para maging masaya ang mga pilipino sa ilalim ng Duterte administration.

“All of these projects clearly is basis for all filipinos para maging happy with Duterte,” ani Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?