24

By

Chinese Premier Li umalis na ng bansa

Sharing is caring!

Si Chinese Premiere Li Keqiang ang huling world leader na umalis ng bansa matapos dumalo sa 31st ASEAN Summit.

Dakong alas-11:40 ng umaga kahapon nang lumipad pabalik sa China si Li mula sa NAIA sakay ng isang Boeing 747 na pag aari ng gobyerno ng China.

Sa kanyang pag-alis ay binigyan siya ng full military honors at pinangunahan naman ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ang ‘send off party’ para sa Chinese leader at sa Chinese delegation.

Kamakalawa ng gabi, binigyan ng state banquet si Li sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte at partner nito na si Honeylet Avancena. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?