464

Oct 1, 2017 @ 13:10

Chinese, patay sa ambush sa Pasay

Sa dami ng ibinaon na mga bala sa ulo at katawan, tiniyak ng mga nanambang sa isang lalaki sa Pasay City kahapon ng madaling araw na hindi na ito mabubuhay.

Idineklarang dead on arrival sa San Juan de Dios Hospital si Zhizhu Wu, residente ng Binondo, Maynila dahil sa mga tinamong tama ng bala sa ulo at katawan.

Sakay si Wu ng Toyota Previa (ZPB 297) nang pagbabarilin sa kanto ng EDSA-Roxas Boulevard.

Bago ito, nakita si Wu na may ibinabang sakay ng kanyang sasakyan sa northbound portion ng EDSA extension.

Isang saksi sa pamamaril ang nagsabi na narinig niya ang limang suspek na nag-uusap tungkol sa pera bago nila pinatay ang biktima.

Tumakas ang lima sakay ng tatlong motorsiklo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?