8
views
baguio-thief
By

Chinese ninakawan ng P.3M sa condo

Sharing is caring!

Inireklamo ng isang Chinese ang kasamahan niyang intsik na umano’y nagbukas ng kanyang bag at ninakaw ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P300,000 sa loob mismo ng condominium sa Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Alvin Quisumbing ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang nakawan ay naganap dakong alas-2:00 ng hapon nitong Martes (June 12), sa staff house ng 12 LM Orchard Condominium na matatagpuan sa Eastwood City, Brgy. Libis, QC.

Inginuso ng biktimang si Stewart Sy Chua, 34-anyos, residente ng No. 34 M Park View, Tower 1, Eastwood at representative ng Unionspark Technologies Inc., na may opisina sa nasabing condo, ang kasamahang Chinese na si Shiyang Luo, stay-in bilang customer service sa nasabing kompanyang pinagta-trabahuhan ng una na siyang nagnakaw sa kanya ng nabanggit na halaga.

Ayon sa biktima, pagdating niya sa nasabing condo ay pansamantala niyang ipinatong ang kanyang dalang bag sa lamesa ng staff house kung saan naka-assign si Luo kasama ang isang nakilalang Gaw at nagtungo sandali sa kanilang opisina.

Sa kuwento naman ng saksing si Gaw, nakita niya na binuksan ni Luo ang bag ng biktima at kinuha ang nasabing halaga at dahil sa pag-aakalang inutusan ito ay hindi umano niya ito pinansin. Mariin namang pinabulaanan ng suspek ang paratang sa kanya.

Sa kasalukuyan ay nasa kostudya ng pulisya si Luo at isinasailalim sa imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?