21

By

Chinese national arestado sa pananakit

Sharing is caring!

Inaresto ng dalawang security guard ang isang Chinese national na naninirahan sa isang condominium matapos itong ipagharap ng reklamo ng kanyang live in partner na dayuhan din sa kasong pananakit sa Pasay City.

Sa detention cell ng Pasay City Police ang bagsak ng suspek na nakilalang si Jingren Dai, 35-anyos, jobless at pansamantalang nanunuluyan sa room 9K Tower 4 Oceanaire Sunrise Drive CBP1, Brgy. 76, Pasay City.

Base sa isinumiteng report ni Senior Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police, dakong alas-singko nang madaling araw nang maganap ang pananakit ng suspek sa kanyang kinakasama sa nasabing gusali.

Batay sa salaysay ng biktimang si Menaiko Otani, 22-anyos, isa ring Chinese national, madalas umano siyang saktan ng kanyang kinakasamang si Dai.

Kaya muli na naman siyang sinaktan ng suspek sa hindi niya mabatid na dahilan, hanggang sa napilitan na itong humingi ng tulong at magsumbong sa mga nakatalagang sekyu sa nasabing gusali.

Agad naman inaresto nina SG John Ryan Acosta at Eugene Padullo ng Jardene Security Agency at dinala sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch ng nasabing himpilan ng pulisya ang suspek.

Pahayag naman ng biktima na sasampahan niya ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act ang kanyang kinakasamang dayuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?