429
‘Drug queen’, 3 pa nalambat sa Navotas buy-bust
Jan 11, 2018 @ 16:02
By

Chinese na sangkot sa P6.4-B shabu shipment, nagtangkang tumakas

Nagbalak umanong tumakas palabas ng bansa ng isa sa mga akusado sa nakapuslit na P6.4 billion shabu shipment sa Bureau of Customs.

Sa press briefing kahapon sa Malacañang, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sinubukan ni Richard Chen na tumakas palabas ng bansa matapos ibasura ng Valenzuela Regional Trial Court ang kaso laban sa kanya at dalawang iba pa dahil sa kawalan umano ng hurisdiksiyon sa isyu.

Si Chen ang may-ari ng warehouse sa Valenzuela City na pinagdalhan ng container van na may lamang shabu.

Ayon kay Aguirre, isang tauhan ng Bureau of Immigration ang nagtangkang tumulong kay Chen na makalabas ng bansa kapalit ang alok na P10 million subalit hindi ito pinayagan ng senior immigration officer.

Naganap aniya ang tangkang pagtakas at panunuhol sa isang provincial office at hindi sa Metro Manila.

“It was las week. A person who is still comnected with B.I. but was now on awol was trying to help Chen leave the country but he was not successful because one of our senior supervision officer rejected the bribe,” ani Aguirre.

Sinabi pa ng kalihim na wala pang hadlang na makalabas ng bansa si Chen maliban sa ipinalabas na Immigration Look out Bulletin na inisyu ng Department of justice.

Pangalawang beses na aniyang pagtatangka ito ni Chen na pumuslit palabas ng bansa at posibleng tangkain muli gamit ang ibang paraan gaya ng paggamit ng mga pekeng dokumento.

Sinabi ni Aguirre na ipinaha-hunting na nito sa National Bureau of Investigation (NBI) ang opisyal na tumulong para makatakas sana ang akusadong chinese national.

Maliban kau Chen ay akusado rin sa shabu shipment sina Kenneth Dong at Mark Taguba na sinasabing fixer sa nasabing shabu shipment. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?