84

Mar 21, 2020 @ 15:57
By

Chinese na panay dura sa bus, dinakip

Arestado ang isang babaeng Chinese matapos paulit-ulit na dumura sa loob ng bus noong Marso 19.

Naglabas ang Department of Disaster Prevention and Mitigation ng litrato ng isang opisyal na nakasuot ng protective suit habang inaaresto ang naturang Chinese, ayon sa ulat sa The Nation Thailand.

Sumakay sa bus ang Chinese mula sa Bangkok patungo ng Saraburi.

Maliban sa pagdura sa bus ay paulit-ulit din itong dumura sa sinakyang tren.

Isinailalim na sa quarantine ang babae at sinuri sa COVID-19 sa Siriraj Hospital.

Negatibo sa COVID-19 ang lumabas na resulta sa ginawang pagsusuri sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?