169

By

Chinese na nanaboy ng taho, nag-hysterical matapos bitbitin ng BI

Binitbit ng Bureau of Immigration ang babaeng Chinese na nag-viral dahil sa pananaboy ng taho sa isang pulis sa MRT.

Ito’y sa kabila na nakapagpiyansa na umano si Jiale Zhang.

Nauna nang nagrekomenda ang BI na maghain ng deportation case laban sa Chinese.

Ayon legal counsel ni Zhang na si Atty. Sandra Respall sa report ng ABS-CBN, hindi nagbigay ng kopya ng mission order ang BI para arestuhin ang kanyang kliyente kaya iligal ito.

Sa kabila nito ay pinuwersa pa rin si Zhang na bitbitin dakong alas-otso ng gabi noong Martes, Pebrero 12 mula sa Mandaluyong Police Station ng BI.

Makikita ang pagpupumiglas ni Jiale habang binibitbit palabas ng BI at panay ang sigaw ng “attorney”.

Kasalukuyan na umanong nakadetine si Zhang sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Panoorin ang kuha ni Gary de Leon sa naturang eksena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?