684

Feb 10, 2019 @ 17:08
By

Chinese na nambastos ng pulis banned sa MRT, kinasuhan

Todo ang paghingi ng patawad ng mga kaanak at kaibigan ng isang Chinese national na nambastos nang sitahin at sabuyan ng taho ang unipormadong pulis na nakatalaga sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) station.

Kasabay nito ang pagbaba ng permanent ban ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) laban kay si Jiale Zhang, 23-anyos, estudyante ng School of Fashion at Sofa Design Institute at nakatira sa 30P Axis Residences Pioneer St. Mandaluyong City.

Si Zhang ay nahaharap ngayon sa kasong disobendience to agent of person in authority and direct assault dahil sa ipinakitang ugali at pambabastos sa unipormadong pulis na nakilalang si PO1 William L. Cristobal, 39-anyos ng Santa Ana St. Tondo Manila at miyembro ng Regional mobile force batallion (RMFB), 4th mobile force company(MFC).

Ayon sa MRT-3 management, mahigpit nilang ipinatutupad ang pagdadala ng liquid items sa lahat ng istasyon ng MRT bilang bahagi ng security measures na posibleng paglagyan ng liquid bomb.

Matatandaang, inaresto si Zhang bandang 8:30 Sabado ng umaga sa Boni Station, ng MRT-3 makaraang nagpupumilit na ipasok ang kanyang dalang taho o soy bean dessert sa loob ng tren na kung saan ay mahigpit na ipinatutupad ang pagdadala ng pagkain at inumin sa loob ng tren.

Ayon kay PSSupt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong Police, hindi niya palalagpasin ang inasal ng biktima sa pambabastos sa isang unipormadong pulis.

Nabatid na may ilang kaanak at kaibigan ang bumisita na kay Zhang at nakikiusap na patawarin sa inasal ng kanilang kaanak,.

Kasalukuyang nakakulong ang Chinese national sa Mandaluyong detention facility habang hinihintay ang kanyang pagdinig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?