Chinese na nahulihan ng shabu ng Okada, kinasuhan na

Sharing is caring!

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drugs Act) sa piskalya ng Paranaque ang isang Chinese national na nahulihan ng iligal na droga at paraphernalias sa Seaside Drive, Baclaran.

Nakumpiska sa suspek na nakilalang si Yang Anquan, isang Tsinoy, 38-anyos, years old, married and a resident of Ongpin Street, Binondo, Manila, ang (1) white small plastic case; (1) white tissue paper; (1) improvised plastic tooter na naglalaman ng ‘brownish residue substance’; (1) small metal canister color blue and green labeled “Doublemint”; (1) heat-sealed small plastic straw color white; (1) rolled aluminum foil strip, at (1) rolled alinum foil strip.

Ang suspek ay sinampahan ng kaso sa piskalya ng Paranaque, dakong ala-1:25 ng hapon nitong Nobyembre 23, 2017, matapos na iturn-over ng security personnel ng Okada Manila, New Sea Side Drive, Parañaue, Metro Manila, sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Si Anquan ay naaresto ni Jimmy Nicolas, Security personnel ng Okada Manila, at inasistihan na itinurn-over ni IO1 Jerome Q Mandiit, sa PDEA, at Parañaque Police Station sa pamumuno ni P/Supt. Criselda De Guzman, kasama si P/Chief Insp. Isagani Calcsan, PCP 2 Commander. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?