563

By

Chinese na hinihinalang may dala ng misteryosong virus mula China, naharang sa Aklan

Pinangangambahang nakapasok sa bansa ang misteryosong virus na pumatay na ng tatlo katao sa China kung saan 136 bagong kaso pa ang naitala.

Ayon sa ulat ng State of the Nation ni Jessica Soho, inoobserbahan sa isang ospital sa Kalibo, Aklan ang isang Chinese.

Hinihinalang tinamaan ito ng bagong virus na unang naitala sa Wuhan, China at kumalat sa Beijing at Guangdong province.

Papunta raw sana ng Boracay ang dayuhan nang maharang siya dahil may lagnat.

Samantala, bukod sa Japan at Thailand, may naitala na ring kaso ng misteryosong virus sa South Korea nitong Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?