45

Aug 6, 2020 @ 20:53
By

Chinese na 27 taong nakulong, napatunayang inosente

Lagpas dalawang dekadang naaksaya ang buhay sa kulungan ng isang lalaking Chinese bago napatunayan ng korte na “not guilty” siya sa pagpatay sa dalawang bata.

Nahatulan si Zhang Yuhuan, 53, sa kasong murder pero nabaligtad ang hatol kung kailan 27 taon na siyang nakulong, ayon sa ulat ng CNN.

Tinawag itong “longest-serving miscarriages” sa hustisya sa Chinese history.

Noong Martes pinalaya na si Yuhuan matapos mapatunayang “not guilty” ng Supreme People’s Court sa Jiangxi province dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Taong 1993 nang matagpuang patay ang dalawang bata sa Nanchang, Jiangxi province kung saan pinaghinalaan ang kapitbahay nilang si Yuhuan na may sala.

Umapela si Yuhuan sa Mataas na Korte at sinabing tinorture lang siya ng mga pulis sa interogasyon kaya pinag-utos ng korte ang retrial o muling pagdinig sa kaso niya.

Dahil sa nangyari, maaaring mag-apply si Zhang para sa state compensation, sabi sa report ng Global Times.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?