Antonio-trillanes
By

Chinese military plane nagbaba ng precious cargo sa Davao? – Trillanes

Sharing is caring!

Hihingi ang opposition-minority bloc ng imbestigasyon ng Senado sa paglapag ng eroplano ng military ng China sa Davao City noong nakaraang Biyernes.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV na kasapi ng minority bloc, nakapaghihinala ang paglapag ng transport plane ng People’s Liberation Army (PLA) ng China sa balwarte ni Pangulong Duterte.

Unang-una na, lumilitaw na hindi nasunod ang protocol sa paglapag ng dayuhang eroplano. Huling nakaalam si Defense Secretary Delfin Lorenzana samantalang ito ang dapat nag-apruba at hindi ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa impormasyon din ni Trillanes mula sa kapwa sundalo, hindi iyon ang unang beses na paglapag doon ng military plane ng China dahil may nauna pa rito ilang linggo nang nakakalipas.

Bukod dito, nakakapaghinala aniya na sa dami ng paliparan sa bansa, doon pa lumapag ang eroplano sa Davao International Airport.

Sa ngayon, inaalam umano ng kanilang impormante kung mayroon at kung anong “precious cargo” ang ibinaba ng cargo plane.

Dumagdag sa paghihinala ni Trillanes ang pag-eksena ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na siyang kumumpirma sa paglapag ng eroplano at nagsabing nagpa-gasolina lang ang eroplano.

“Obvious cover-up nitong si Sec. Bong Go na ito ay nag-refuel lang, diyan mo makikita na meron silang tinatago. Ang sa ‘kin dito, since military cargo plane ‘yan, malamang nag-unload ‘yan ng ‘precious cargo’ kung ano man ‘yun pina-find out pa natin. And additional info we’re getting is this is not, the first time na nag-land ‘yan. Meron pang previous landing,” ani Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?