116
crime-scene
Jan 28, 2019 @ 15:42
By

Chinese hinoldap na, sinaksak pa ng taxi driver

Kasalukuyan nang tinutugis ng kapulisan ang isang taxi driver at mga kasama nito matapos holdapin at saksakin ang isang pasaherong Tsino sa Pasay City.

Ayon sa report, dinala sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Ye Han Chai, 21.

Galing umano si Chai sa isang Chinese restaurant at pumara ng taxi para ihatid siya sa isang hotel sa Parañaque City noong Enero 25.

Pero imbes sa nasabing lugar hinatid ang biktima ay dinala siya sa isang lugar na malapit sa Mall of Asia kung saan naghihintay ang dalawa pang suspek.

Sumakay ang mga ito sa taxi saka hinoldap ang biktima at sinaksak pa.

Iniimbestigahan na ang naturang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?