40

Feb 15, 2020 @ 18:56
By

Chinese gymnasts, out na sa World Cup

Nag-withdraw ang Chinese gymnastics team sa World Cup na gaganapin na sa susunod na linggo sa Melbourne, Australia.

Dahil ito sa ipinatupad na Australian government travel restrictions bunsod ng coronavirus outbreak.

Pebrero ipinatupad ng Australia ang pag-ban sa mga foreign national na mula sa China.

Kaya hindi na makakasali ang China sa World Cup sa Feb. 20-23, na may qualifying points para naman sa Tokyo Olympics.

Kabilang sa naapektuhan nito si four-time world champion Zhang Chenglong, na siyang nakasungkit ng gintong medalya sa 2012 London Olympics at bronze medal sa Rio Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?