arrested2
By

Chinese dinakip dahil sa pananakit sa waitress

Sharing is caring!

Hindi marahil inakala ng isang 32-anyos na waitress sa isang restaurant sa Parañaque City na magugulpi siya dahil lamang sa pagkain ng isang piraso ng chicharon.

Sa reklamo ni Rutchel Taer, empleyado ng Reyes Eatery sa Barangay Tambo, sinabi nito na dumampot at kinain niya ang isang pirasong chicharon sa ibabaw ng mesa sa kusina bago mag-alas-otso kagabi.

Aniya, nagulat na lang siya nang sigawan siya ng kanilang chef na si Wang Yongbin, 27, bago ginulpi habang nakahiga sa sahig.

Inawat ang Chinese chef ng kanilang mga kasama at inaresto ng mga rumespondeng pulis.

Sinabi ni Police Sr. Insp Jerry Sunga, chief investigator ng Parañaque City Police, nadiskubre nila na walang working visa si Wang at mahigit isang taon na ito sa bansa.

Nahihirapan din sila na kausapin ito dahil hirap itong magsalita kahit English.

Mahaharap sa kasong slight physical injury ang dayuhang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?