18

Jul 7, 2020 @ 19:25
By

Chinese dampot sa pagbenta ng ‘di rehistradong gamot

Nadakip ng mga awtoridad ang isang Chinese sa raid sa isang clinic sa Pasay City, Lunes ng umaga.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas, nahuli ang 47-anyos na si Tian Shang Guo sa pagsalakay sa Kang Fu Clinic, Hobbies of Asia sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue.

Ito’y matapos na makatanggap ng report tungkol sa bentahan ng mga Chinese medicine na hindi rehistrado, gayundin ang pag-operate ng walang lisensya.

Nakuha sa raid ang apat na box ng iba’t ibang gamot galing sa China.

Dahil dito’y kakasuhan ang Tsino ng paglabag sa Republic Act 9711 o ang Food and Drugs Administration Act at RA 10918 o ang Philippine Pharmacy Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?