279

Aug 20, 2019 @ 16:17
By

Chinese crowd nag-boo sa TNC Predator, mga netizen nagalit

Ginanap nitong Martes (August 20) ang The International 2019, na taunang Dota 2 world championship esports tournament, sa Mercedes-Benz Arena sa Shanghai, China.

Nag-trending ito sa social media dahil sa pag-boo ng mga Chinese sa TNC Predator, na grupo ng mga Filipino.

Pinuna rin ang Chinese crowd dahil sa pagiging biased nito sa Filipino team pero kapag ibang team ay tahimik lang sila.

Habang sinusulat ito, nakakuha na ng spot sa Upper Bracket ang TNC Predator na kinabibilangan nina Kim Villafuerte (Gabbi), Armel Paul Tabios (Armel), Carlo Palad (Kuku), Timothy Randrup (Tims), Nico Barcelon (Eyyou) at Lee Seung Gon (Coach Heen).

Narito ang ilan sa reaksyon ng mga badtrip na netizens.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?