40
views
mayfair
By

Chinese businessman natangayan ng P3-M ng Dugo-Dugo gang

Sharing is caring!

Nalimas ang mga mamahaling alahas at pera ng isang negosyanteng Chinese matapos mabiktima ng Dugo-Dugo gang sa Maynila.

Kabuuang P2,750,000 na mga alahas na kinabibilangan ng Rolex Watch, Omega watch, Tag Heuer watch, Ball watch at cash ang natangay sa loob mismo ng condominium Unit ng biktima sa Mayfair Tower condo sa U.N Avenue cor. Mabini St., Manila.

Kinilala ng Ermita Police Station(P.S-5)ang biktima na si Man Ko y Hoi, 41 anyos habang ang suspek naman ay ang mismong kasambahay nito na si Victoria dela Rosa, 57 anyos, tubong Abra.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Rhyan Rodriguez, sinasabing nakatanggap umano ng tawag sa telepono ang katulong na si dela Rosa na nagsasabing nadisgrasya ang asawa ni Ko na si Rena Alvarez Ko at na-confine sa Ospital.

Nagsabi din umano ang tumawag na kailangan sirain ng katulong ang lock sa pinto ng kuwarto ng kanyang amo para kunin ang pera at mga alahas na gagamitin para panggastos sa Ospital ng asawa ng biktima.

Ilang saglit pa ay nakipagkita na ang suspek sa kanyang kasabwat sa tapat ng Mercury Drug sa Tayuman St., para dalhin ang mga nabanggit na alahas at salapi.

Nang bumalik na sa condo ang suspek ay nakipag-ugnayan ang biktima na si Ko sa Pedro Gil PCP para isuplong ang katulong at doon siya ay inaresto.

Hindi naman na narekober ang mga natangay na alahas at pera ng suspek na ngayon ay nakapiit na sa Ermita Police station at nahaharap na sa kasong Qualified Theft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?