205
sex
Mar 7, 2018 @ 16:22

Chinese blogger, arestado sa alok na libreng sex online

Isang 19-anyos na Chinese blogger ang dinakma ng mga otoridad matapos mag-alok ng libreng sex online.

Gumuhit pa ito ng kumpulan ng mga lalaking mahahalay sa hotel sa China kung saan siya nakatira.

Nag-post ng sex ad si Ye Mouyi noong Huwebes sa social media site na Weibo at WeChat, kung saan inilagay ang room number niya sa Hilton Hotel sa Sanya City.

“Somebody come get me … Sex … for free … 6316,” sabi ni Mouyi sa post, na naging viral agad, dahil sinamahan pa niya ito ng video niya na naka-bikini, ayon sa news.com.au.

Sa ulat ng New York Post, dumagsa ang mga tao sa hotel, habang walang humpay ang pagtunog ng telepono sa front desk para magtanong tungkol sa guest nito sa Room 6316.

Agad ipinaalam ng Hilton Hotel sa mga pulis ang insidente, na mabilis na rumesponde sa lugar.

Nang dumating ang mga otoridad sa hotel ay nakapag-checked out na ang babae, ayon pa sa ulat.

Kinabukasan ay inaresto si Mouyi sa Sanya Phoenix International Airport sa salang prostitusyon.

Pinagmulta ito ng $79 at inatasang makulong ng hanggang Marso 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?