109

Mar 8, 2020 @ 17:27
By

Chinese bebot nag-microwave ng pera vs coronavirus, nasunog lang

Imbes na maging ligtas kontra sa coronavirus, nag-aksaya lang ng pera ang isang babaeng Chinese na nilagay sa microwave ang kanyang pera para sana ma-disinfect sa nasabing virus.

Ayon sa report ng AsiaOne, nasa 3,125 yuan o aabot sa P22,700 ang na-microwave ng babae na taga-Jiangsu, probinsya ng China.

Nang kanyang i-on ang microwave ay kaagad siyang nakaamoy ng nasusunog mula sa nasabing appliance,

At nang buksan na niya ang microwave ay tumambad sa kanya ang nasunog niyang pera.

Sinubukan pang dalhin ng Chinese ang nasunog na pera sa bangko para sana mapalitan, ngunit kahit ang mga machine ng bangko ay hindi na malaman kung ano ang halaga ng mga paper bill dahil sa pagkasunog nito.

Kaya naman mano-mano na lang na binilang ng bank employee ang pera para malaman ang halaga at kung peke ba ito.

Nang makumpirmang authentic ang mga paper bill ay pinalitan naman ito ng bangko.

Ang kadalasang ginagamit ng mga bangko sa Chinese pang-disinfect ng mga pera ay ultraviolet light at hindi microwave.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?