104

By

Chinese ambassador hanga sa pulis na sinabuyan ng taho

Suportado umano ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang pagpaparusa sa mga dayuhan na gumawa ng hindi kanais-nais o lumabag sa batas ng isang bansa.

Ito umano ang reaksiyon ni Jianhua kaugnay sa nag-viral na kababayan niyang Chinese dahil sa pagsasaboy ng taho sa isang pulis sa MRT-3 station nito lang Pebrero.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinuri umano ng Chinese envoy ang ipinamalas na professionalism ni PO1 William Cristobal sa gitna ng pang-iinsulto ni Jiale Zhang na sinabuyan siya ng taho.

Hindi umano kinukunsinti ng Chinese government ang naturang pag-uugali ng mga dayuhan lalo na ng mga kapwa nila Intsik.

Ginawa umano ni Zhao ang pahayag nang mag-courtesy call ito sa Malacañang noong Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?