532

Sep 27, 2021 @ 20:33
By

Chinabank solong hinoldap

Hinoldap ng nag-iisang suspek ang bangko sa Otis, Paco, Maynila nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente bandang alas-dos ng hapon sa isang sangay ng Chinabank.

Gumamit umano ang holdaper ng motorsiklo sa pagtakas.

Walang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente ngunit hindi pa batid ang halaga ng nakulimbat ng salarin.

Nagsasagawa na ang Manila Police District Station 10 ng imbestigasyon para maaresto ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?