45

Apr 23, 2020 @ 15:29
By

China warship nangtutok ng baril sa PH Navy sa West PH Sea

Kinumpirma ng isang top official ng Western Command (Wescom) ang nangyaring panunutok ng baril ng warship ng People’s Liberation Army ng China sa isang barko ng Philippine Navy sa Rizal Reef sa may West Philippine Sea.

Saad ni Wescom chief Rene Medina, nasa sovereignty patrol mission ang BRP Conrado Yap ng PH Navy nang bigla nilang makasalubong ang warship ng China noong February 17.

Nag-radio umano ang PH Navy sa barko ng China, ngunit naging palaban ang sagot nito.

“The Chinese government has imputable sovereignty over the South China Sea, its islands and its adjacent waters,” tugon umano ng Chinese warship.

Sinubukan ulit kontakin ng BRP Conrado Yap ang barko ng China para lumihis na at pumunta sa ibang lokasyon, ngunit nanatili umano ang bilis at direksyon nito.

Namataan din umano ng crew ng PH Navy na nakatutok sa kanila ang firearm ng Chinese warship.

“This gun control director can be used to designate and track targets and make all the main guns ready to fire in under a second,” saad ni Medina.

Hindi naman nakumpirma ng BRP Conrado Yap sa pamamagitan ng electronic support measures kung nakatutok nga ang gun control director ng nasabing barko, ngunit sa visual umano ay sapat na para makita ang palabang estado ng Chinese warship.

“This hostile act on the part of Chinese government and encroachment in the Philippines’ EEZ [exclusive economic zone] is perceived as a clear violation of international law and Philippine sovereignty,” saad ni Medina, na pinangakong pangangalagaan ng Wescom ang soberanya ng Pilipinas sa WPS.

Matatandaan na naghain na ang ‘Pinas ng diplomatic protest ukol sa panunutok ng baril, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?