79

Jan 22, 2020 @ 14:17
By

China virus umabot na sa US, Taiwan

Inanunsyo ng Amerika at Taiwan nitong Miyerkoles ang unang kaso ng bagong virus sa kanila, na pumatay na ng anim katao sa China habang daan-daan pa ang may sakit.

Ayon sa Free Malaysia Today, lumapit sa mga kinauukulan ang lalaking taga-Seattle na nasa 30s ang edad matapos niyang malaman ang tungkol sa SARS-like virus sa mga news report.

Stable ang kondisyon ng lalaki at kasalukuyang nasa ospital.

Dumating ang lalaki sa Amerika matapos bumisita sa Wuhan, China noong Enero 15, dalawang araw bago nagsimulang mag-deploy ng health officials sa mga pangunahing airport para mag-screen ng mga pasahero.

Samantala, naitala naman ang unang kaso ng bagong coronavirus sa isang babae na dumating sa Taiwan at galing din ng Wuhan.

Agad siyang dinala sa ospital matapos dumating sa airport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?