41

By

China trip ni Honasan pinayagan ng Sandiganbayan

Pinahintulutan ng Sandiganbayan 2nd Division si Senador Gringo Honasan na makapunta ng China nitong Abril.

Batay sa inilabas na resolusyon ng anti-graft court, pinagbigyan ang motion to travel ni Honasan sa Guangdong, China mula Abril 21-27.

Inatasan naman ang senador na magbigay ng travel bond na P120,000 na bahagi ng kanyang terms and conditions.

Ani Honasan sa kanyang mosyon, inimbitahan siya ni Huawei Technologies Inc. vice president Daniel Guo Zhi para bisitahin ang headquarters nito sa Shenzhen City.

Nahaharap si Honasan sa kasong katiwalian dahil sa maling paggamit umano nito sa kanyang pork barrel noong 2012 na nasa P29.1 milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?