238

By

China: Takot maisahan, ililigtas sana ang mga mangingisda

Inilabas ng Chinese Embassy sa Manila ang pahayag ng kapitan ng kontrobersyal na Chinese vessel.

Matatandaang nito lamang linggo ay itinanggi ng Tsina ang paratang na isang Chinese fishing vessel ang bumangga at nag-abandona sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda habang nasa Reed Bank sa South China Sea.

Ayon sa inilabas na pahayag, nais nilang iligtas ang mga mangingisdang Pinoy ngunit takot sila umano na maisahan ng mga ito.

Aniya, “The Chinese captain tried to rescue the Filipino fishermen, but was afraid of being besieged by other Filipino boats. Therefore, having confirmed the fishermen from the Filipino boat were rescued on board by other Filipino fishing boats, 42212 sailed away from the scene.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?