232
telecom
By

China, SK interesado maging 3rd player sa telecom industry

Sharing is caring!

May kakumpetensiya na ang China para maging third player ng telecommunications para sa mas mabilis na internet service sa bansa.
 
Iniulat ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Officer-in- Charge Eliseo Mijares Rio kay Pangulong Rodrigo Duterte  sa kanilang cabinet meeting noong Lunes na interesado rin ang isang kumpanya sa South Korea para maging telecoms partner sa Pilipinas.
 
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na inaapura na ni Pangulong Duterte ang DICT para masimulan na bago mag-second quarter ng taon para maging competetive ang telecoms industry sa bansa.
 
“Nagkaroon po tayo ng Cabinet meeting with the President, for the 21st Cabinet meeting at kauna-unahang Cabinet meeting for this year. At nabanggit nga ng DICT Acting Secretary  Rio na dalawa ang so far interested na maging third player sa telecommunications industry. Una, iyong China Telecom, plus iyong consortium na hindi pa ho nababanggit; at pangalawa pong nasa listahan ay iyong grupong PT&T ay iyong kanilang partner na Korean telecom company,” ani Andanar.
 
Ayon pa sa kalihim, may magandang ibinunga ang desisyon ni Pangulong Duterte na buksan ang third player dahil nagkusa na ang dalawang kumpanyang Globe at Smart na maglalabas ng malaking pondo para pagandahin ang kanilang internet service.
 
“We can really see that even just the announcement itself ay nahikayat po iyong dalawang telco giants na mag-invest ng pera para pagandahin pa iyong kanilang serbisyo. So, that itself is aleady a victory for the filipino people,” dagdag ni Andanar.
 
Sa pagpasok ng third player ay inaasahang gaganda at bibilis ang serbisyo ng internet sa bansa at hindi na magtitiyaga sa makupad at mahal na serbisyo ng dalawang kumpanya.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?