125

Nov 25, 2021 @ 11:15
By

China sa ‘Pinas: BRP Sierra Madre alisin sa Ayungin Shoal

Hiniling ng China sa Pilipinas na alisin sa Ayungin Shoal ang BRP Sierra Madre, ang barko kung saan may nagbabantay na mga sundalong Pinoy at siyang pinagdadalhan ng supply linggo-linggo.

“Ren’ai Jiao is part of China’s Nansha Qundao. China demands that the Philippine side honor its commitment and remove its grounded vessel on Ren’ai Jiao,” saad ni Zhao Lijian, spokesman ng Chineses foreign ministry patungkol sa Ayungin Shoal.

“This position remains unchanged. This delivery of food and other supplies is a provisional, special arrangement out of humanitarian considerations,” saad pa nito.

Matatandaang nitong nakaraang linggo ay hindi natuloy ang pagdadala ng supply sa BRP Sierra Madre matapos atakihin ang dalawang bangka ng Pilipinas ng mga Chinese gamit ang water cannon.

Samantala, nitong Martes ay wala namang nang-harass at tagumpay na nakapagdala ng supply sa naturang lugar.

Pinaniniwalaan ng China na sakop na nila ang teritoryo, bagamat malinaw na saklaw pa ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?