73
Mga inutang sa China, inaral nang mabuti - Palasyo
By

China sa PH gov’t: Protektahan ang karapatan ng mga Chinese

Pumalag ang China sa plano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na ilagay ang mga Tsino, na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), sa mga self-contained communities dala ng maraming reklamo tungkol sa kawalan nila ng urbanidad.

“The Chinese Embassy expresses its grave concern over such potential move by PACOR (sic), which may infringe on the basic legal rights of the Chinese citizens concerned, and strongly urges the Philippine government to effectively protect the legitimate rights and interests of Chinese citizens in the Philippines,” sabi ng embahada ng China.

Ayon sa China, inoobliga nila ang kanilang mga mamamayan na nag-a-abroad na sumunod sa batas at patakaran ng bansa kung nasaan sila at huwag magtatrabaho nang iligal sa ibang nasyon.

Dagdag pa ng embahada ng China, inaapi umano ang kanilang mga citizen na nagtatrabaho sa POGO.

“Many of the Chinese citizens working illegally in Philippine casinos or POGOs and other forms of gambling entities are subjected to what media described as “modern slavery” due to severe limitation of their personal freedom. Their passports are taken away or confiscated by the Philippine employers,” sabi pa nito.

“They are confined to to live and work in certain designated places and some of them have been subjected to extortion, physical abuse, and torture as well as other ill treatments,” saad pa ng Chinese Embassy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?