133
ABANTE duterte isis threat india
Apr 10, 2018 @ 19:27
By

China pinakamalaking trading partner ng Pilipinas – Duterte

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagalakan sa mga nilagdaang Memorandum of Understanding (MOUs) at Letter of Intents(LOIs) na nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at mga kumpanya China.

Ito ay matapos saksihan ng Presidente ang lagdaan ng mga kasunduan sa Hainan, China sa kanyang pagdalo sa Boao Forum for Asia.

Sinabi ng Pangulo na hudyat ito ng lalo pang pagyabong ng partnesrhip sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ang China na ngayon aniya ang pinakamalaking trading partner at pinakamalaking export market, kasama ang Hongkong.

“The Philippines welcome responsible foreign investors as new partners in building the Philippine economy. I express happiness that the signing of the MOUs and LOIs between the Philippines and Chinese companies and to welcome the growing partnership between the Philippines and China.

Allow me to say that the growing trade and investments reflect the vigorous momentum of the Philippine -China relations highlighting the Chinese position as our largest trading partner and our largest export market together with Hongkong,” anang Pangulo.

Umaasa ang Presidente na mas lalo pang sisigla ang kalakalan ng dalawang bansa aa susunod na mga taon.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kinikilala nito ang mga trabahong malilikha ng mga negosyong ilalagak ng China sa bansa at ang magagawa nito sa paglago ng kabuhayan ng mga pilipino sa pamamagitan ng panghikayat na maging entrepreneur ang mga ito.

Tiniyak ng Pangulo sa mga Chinese investors na gagawin ng gobyerno ang makakaya para maging maganda ang climate investment sa bansa at hindi nito kukunsintihin ang korapsiyon habang siya ang Presidente nf bansa.

“I stressed the Philippine government’s commitment in bringing good governance and maintaining order to ensure an enabling environment which will allow businessess and investments to thrive and prosper.

I emphasize the Philippines’ commitment to address corruption. That corruption will not be tolerated under my watch,” dagdag ng Pangulo.

Ang mga nilagdaang kasunduan ay tututok sa agrikultura, fisheries, infrastructure and public works, energy, trade, e-commerce, industrial park development, processing, manufacturing at turismo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?