38

By

China nangakong magiging ‘good neighbor’ ng ASEAN

Sharing is caring!

Ipinangako ng China na makikipagtulungan ito sa mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang mabuting kapitbahay at kaibigan.

Inihayag ang pangako ni Chinese Premier Li Keqiang sa 20th ASEAN-China Summit sa PICC, Pasay City.

“We are committed to working with ASEAN to be good neighbors, good friends, good partners, and always stand together rain or shine,”pahayag ni Li.

Ayon kay Li, sa lahat ng dialogue partners ng China, ang pakikipag-ugnayan nito sa ASEAN ang “most dynamic”at “most substantive”kaya nga raw pursigido silang makatuwang ang ASEAN sa pagsusulong ng mga program na ikabubuti ng lahat.

“We also commit to working with ASEAN to build a community of shared future featuring common ideals, common prosperity, and a common responsibility,” sabi pa ni Li.

Sinabi naman ni Pangulong Duterte sa pagbubukas ng China-ASEAN summit na ang kanilang paghaharap ay pagkakataon para mapag-aralan ang kasalukuyan at ang hinaharap na strategic partnership ng dalawang kampo.

Isa sa mga pinakaabangan sa ginaganap na 31st ASEAN Summit and Related Summits ang pulong ng ASEAN at China dahil may inaasahang kasunduan na pumapayag sila na magsimula ang negosasyon para sa pagbalangkas ng Code of Conduct para sa South China Sea o West Philippine Sea. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?