102

May 15, 2021 @ 10:33
By

China nakapasok sa Mars

Matagumpay na nakapag-landing ang China ng kanilang Zhurong rover sa Mars, ayon sa China National Space Administration nitong Sabado.

Lumapag ang six-wheeled solar-powered robot sa Utopia Planitia noong Biyernes mula sa Tianwen-1 spacecraft.

Dala ng rover ay isang suite ng mga onboard instrument, kabilang ang dalawang camera, isang Mars-Rover Subsurface Exploration Radar, Mars Magnetic Field Detector at Mars Meteorology Monitor.

Misyon nitong pag-aralan ang climate at geology ng Red Planet.

China ang naging pangalawang bansa na matagumpay na nakalapag sa Mars matapos ang Viking Lander 2 mission ng National Aeronautics and Space Administration ng Amerika taong 1976.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: