10
views
rodrigo-duterte-xin-jin-ping
By

China nagpautang ng $4.3-M para sa PH rice

Sharing is caring!

Nakautang ang Pilipinas ng $4.36 million sa China para sa modernisasyon ng Hybrid Rice Center ng bansa.

Ayon sa Department of Finance, malaking tulong ang utang para mapalakas ang produksyon ng palay sa Pilipinas.

Nabatid na ang kasunduan ay ipapatupad ng Department of Agriculture para sa pagpapatuloy ng Technical Cooperation Project para sa Agricultural Technology Center.

Magiging daan din ang pautang para sa modernong Hybrid Rice Breeding Station and Technology Demonstration Center ng Philippine Sino Center for Agricultural Technology.

Kabilang ang kasunduan sa tatlong nasungkit sa pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Boao Forum for Asia sa Hainan, China.

Magpapautang din ang China para sa pagpapatayo ng Chico River Pump Irrigation Project na mapapakinabangan sa Hilagang Luzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?