35
views
china

China naglunsad ng website vs pang-eespiya

Sharing is caring!

Umusad na ang kampanya ng China laban sa pang-eespiya ng mga banyaga sa paglulunsad nito ng website na nasa Mandarin at English, na naghihikayat sa mga tao na i-report ang anumang national security threats.

Ang website na www.12339.gov.cn, na binuksan ng Ministry of National Security nitong Linggo ay naggiit din sa pagre-report sa anumang pagtatangka ng Chinese nationals o mga banyaga na suhulan ang state o military officials at pagbabalak ng armed riots.

Bibigyan naman ng reward ang sinumang informants na makakadiskubre ng mga gamit sa pang-eepiya o tips hinggil sa mga suspek na bumibili o nagbebenta ng mga state secret.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?