67

China, naglagay na ng missile systems sa South China Sea

Sharing is caring!

Tahimik na nagkabit ng anti-ship cruise missiles at surface-to-air missile systems sa tatlo nitong outposts sa South China Sea ang Beijing.

Ito umano ay hakbang ng Beijing para ipakita ang kapangyarihan sa pinag-aagawang karagatan, ayon sa ulat ng CNBC.

Ayon sa sources na may direktang kaalaman sa U.S. intelligence reports, ang missile platforms ay dinala sa outposts sa Spratly Islands sa loob ng 30 araw.

Kasabay din ito ng nauna nang paglalagak ng China ng military jamming equipment, na maggugulo sa anumang communications at radar systems sa karagatan.

Tumanggi naman ang US defence department, na hindi pabor sa paglalagay ng China ng military facilities sa South China Sea, na magkomento hinggil sa intelligence reports.

“We don’t comment on matters of intelligence,” anang tagapagsalita nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?