22

By

China nagbigay ng 500-M yuan sa Pilipinas – Duterte

Sharing is caring!

Masayang ibinalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga overseas Filipino workers sa Hong Kong ang bunga ng kanyang biyahe sa China para sa mga pilipino.

Sa kanyang talumpati kagabi sa pagtitipon ng Filipino Community sa Kowloon, Hong Kong ay ibinida nito ang 500 million yuan o katumbas ng P4 biyon na ibinigay ng China.

Ayon sa Pangulo, hindi ito utang kundi bigay ng China sa Pilipinas dahil sa magandang relasyon ngayon ng dalawang bansa.

“I got a gratis, grant, bigay, walang ano…It’s 500 million yuan. That will be about four billion,” anang Pangulo.

Ayon sa Presidente, gagamitin niya ang pondo para magpatayo ng Hospitals sa Sulu at Basilan at bumili ng mga kagamitan para may magamit ang mga mahihirap na pasyente.

Bahagi rin aniya ng pondo ay gagamitin sa pagbangon ng Marawi City na nawasak dahil sa limang buwang giyera laban sa mga Maute-ISIS.

“So unahin ko muna yung mga ospital, tapos yung sa Marawi because that is really the job of government,” dagdag pa ng Pangulo.

Tiniyak ng Presidente sa mga ofws na huwag mag-alala sa bansa dahil ligtas ang mga Pilipino at maayos ang kalagayan ng Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?