69

Aug 19, 2019 @ 16:51
By

China nagbabala sa Canada: Huwag makisawsaw sa Hong Kong issue

Pinagsabihan ng Chinese Embassy sa Ottawa ang Canada na tigilan ang pakikialam nito sa isyu sa Hong Kong.

Noong Sabado naglabas ng joint statement ang Canada at European Union (EU) tungkol sa “fundamental right of assembly” ng mga mamamayan ng Hong Kong.

Kaugnay ito ng libo-libong anti-government protesters na nag-rally nang matiwasay sa Hong Kong noong Linggo laban pa rin sa extradition bill sa nabanggit na bansa.

Sa inilabas naman na pahayag ng Chinese Embassy sa kanilang website sinabi nitong: “Canada should ‘immediately stop meddling in Hong Kong affairs and China’s internal affairs.’”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?