124

Apr 5, 2020 @ 17:44
By

China nag-donate ng 300,000 face mask, 30 ventilator sa ‘Pinas

Muling nagpaabot ng tulong ang Chinese government sa Pilipinas para labanan ang COVID-19.

Nitong Linggo ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang 12 medical expert at Chinese official na magbabahagi ng kanilang karanasan sa nasabing virus.

Ang nasabing Chinese Medical Expert Team ang isa sa unang tatlong grupo na pinadala ng Chinese government sa mga bansa sa ASEAN.

Saad sa pahayag ng Chinese Embassy sa Pilipinas, halos lahat ng miyembro na pinadala ng China ay naging frontliner sa Hubei province kung saan nagmula ang COVID-19.

Bukod pa dito, nag-donate din ng mga medical supply ang China sa Pilipinas, na binubuo ng 300,000 surgical masks, 30,000 medical N95 masks, 5,000 medical protective suits, 5,000 medical face shields, at 30 non-invasive ventilators.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?