58

Mar 16, 2020 @ 18:17
By

China nag-donate ng 2,000 COVID test kits sa Pinas

Inihayag ng Chinese Embassy na umaabot sa 2,000 coronavirus disease (COVID-19) test kits ang ipinadalang donasyon ng embahada at China Mammoth Foundation sa Pilipinas.

Batay sa ipinalabas na statement nitong Lunes (March 16), sinabi ni Chinese Ambassador Huang Xilian na bukod sa 2,000 ay may inaasahan pang paparating na mga karagdagang COVID test kits at iba pang medical equipment at supplies gaya ng mga personal protective equipment.

“Because China and the Philippines are brothers and good neighbors so we are ready to provide more test kits and other personal protection equipment in the coming days,” ani Huang.

Ayon sa Chinese ambassador, ang “fast” test kit na gawa ng Chinese company BGI ay may kapabilidad na maglabas ng resulta sa loob lamang nga tatlong oras kung ang isang pasyente ay positibo sa COVID-19 at ang mga ito ay naipadala at napatunayan na rin sa iba pang mga bansa.

“The kits are not only being widely used in China and these kinds of kits have been exported to more than 50 countries in the world and it has been proven to working quite well,” dagdag pa ng ambasador ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?