36

Feb 17, 2020 @ 12:22
By

China nabanas! NBA lugi ng $400M sa tweet ng Houston GM

Ramdam ang tila pagbagsak o pagkalugi ng National Basketball Association o NBA matapos maghimutok ang bansang China sa liga.

“I think that the magnitude of the loss will be in the hundreds of millions of dollars,” pag-amin mismo ni NBA Commissioner Adam Silver.

Aniya’y hindi bababa sa halagang $400 million ang nalugi sa kanila matapos ang isyu noong Oktubre

“Certainly, probably less than $400 million, maybe even less than that.”

Nag-ugat ang galit ng China matapos mag-tweet ang general manager ng Houston Rockets na si Daryl Morey kung saan lantaran nitong sinusuportahan ang pro- democracy protesters sa Hong Kong.

Sa nasabing tweet na ngayo’y burado na ay nakasaad dito ang tila pagkontra ni Morey. “Fight for Freedom. Stand With Hong Kong,” na nagresulta ng umano’y `severe strain’ sa relasyon ng NBA sa East Asian country. Bukod dito ay bumuhos pa ang iba’t ibang reaksyon mula sa social media

Bunga noo’y tinigil na rin sa pinakamalaking TV network sa bansang China ang pagsasa-ere ng mga exhibition games at iba pang laro sa bansa.

Sa kabila ng gusot ay hind pa rin sarado ang pintuan kay Silver na muli siyang magbabalik sa ere at huhupa din ang galit sa kanila ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?