64

By

China magpapatayo ng mga rehab center sa bansa

Karagdagang mga rehabilitation center ang itatayo sa bansa sa mga susunod na araw matapos saksihan nina Pangulong Rodrigho Duterte at Chinese President Xi Jinping ang seremonya ng lagdaan ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ito ay grant-aid o utang sa China para madagdagan ang mga pasilidad na gagamitin sa rehabilitasyon ng mga Pinoy na lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Bago ang lagdaan ng kasunduan ay inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang opening statement sa bilateral meeting nila ni President Xi na ang pagbisita ng Chinese President sa Pilipinas noong nakalipas na taon ay naging daan ng mas matibay na relasyon ng dalawang bansa.

Hinikayat ng Pangulo si President Xi na patuloy na magtulungan para makahanap ng mga bagong larangan ng kooperasyon at partnership.

Kasabay nito sinabi ng Presidente na isang magandang pagkakataon ang Belt and Road Forum na dinadaluhan ngayon sa Beijing para mas mapalakas ang relasyon ng Pilipinas at China batay sa tiwala, respeto at pagkakaibigan na inaasahang yayabong pa sa mga darating na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?