15

Mar 4, 2021 @ 18:42
By

China magdo-donate pa ng COVID-19 vaccine sa ‘Pinas

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay muli ang China ng dagdag COVID-19 vaccine dose sa Pilipinas.

“China will give us another 400,[000], making their donation to this country one million,” anang Pangulo sa inauguration ng dalawang bagong school building sa Valenzuela City.

Matatandaang noong Linggo dumating sa Pilipinas ang donasyon ng China na 600,000 dose ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac.

Hindi tinukoy ng Pangulo kung anong brand ng bakuna ang panibagong ido-donate ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?