23

Jan 16, 2021 @ 20:30
By

China magdo-donate ng 500K dose ng COVID bakuna sa PH

Nangako ang China na magbibigay ito sa Pilipinas ng 500,000 dose ng COVID-19 vaccine.

Sa pahayag sinabi ng Department of Foreign Affairs, na ipinarating ni Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Secretary Teodoro Locsin ang intensyong pagdo-donate ng bakuna ng China sa Pilipinas.

Hindi tinukoy kung ido-donate na bakuna ay Sinovac o Sinopharm at kung kailan ito.

Inilabas ang pahayag matapos makipagpulong si Locsin sa Chinese Foreign Minister, na dumating sa Pilipinas kahapon, Jan. 15.

Bago nito ay inanunsyo ni Cambodian Prime Minister Hun Sen sa Facebook post na binigyan sila ng Chinese government ng isang milyong dose ng COVID-19 vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?