36

By

China magbibigay ng P1.1B para sa Marawi rehab

Sharing is caring!

Bumuhos ang tulong ng China para sa rehabilitasyon at pagbangon ng Marawi City sa pagbisita sa bansa ni Chinese Prime Minister Li Keqiang .

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita ang isang mataas na opisyal ng China sa bansa sa loob ng nakalipas na sampung taon.

Sa bilateral meeting kahapon nina PM Li at Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang, 14 na mga kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Inihayag din ni Prime Minister Li ang donasyon ng China na 150 Yuan o P1.15 bilyon para sa muling pagbangon at mapaganda ang kabuhayan ng mga mamamayan ng Marawi City.

Naniniwala ang Chinese official na mapapadali ang pagbangon ng mga taga-Marawi at manauli ang magandang pamumuhay ng mga ito.

“The Chinese government will provide 150 million RMB Yuan of grants for the rebuilding and improvement of livelihood in Marawi to demonstrate the support of the Chinese people.

We have full confidence that under your leadership, Mr. President, and the leadership of your government, the rebuilding of Marawi will be completed at — in a very early date and the local people will embrace even better life,” ang pahayag ni Prime Minister Li.

Dalawang drug abuse rehabilitation centers din ang itatayo ng China sa Sarangani Province at Agusan del sur bilang tulong sa war on drugs ni Pangulong Duterte.

Kabilang sa mga nilagdaang kasunduan ay ang pagpapatayo ng dalawang tulay para makatawid sa ilog Pasig, kasunduan para malabanan ang climate change, irrigation projects at iba pa. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?