29

Feb 11, 2021 @ 23:12
By

China-made COVID bakuna huwag i-demonize – Recto

Umapela si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa publiko na huwag i-demonize ang bakuna base sa bansang pinagmulan nito.

“We should not demonize a vaccine because of its country of origin. Let science be the guide, not superstition,” pahayag ni Recto sa isang statement.

Ginawa ni Recto ang panawagan kasunod ng pahayag ng Malacañang na may 600,000 dose ng China-based Sinovac Biotech COVID-19 vaccine ang darating sa bansa sa Pebrero 23.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na sa 600,000 doses ng Sinovac vaccine, 100,000 ang ibinigay ng Chinese government sa Department of National Defense.

Subalit hindi pa nakakakuha ang bakuna ng emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Nagbigay pa lang ang FDA ng EUA sa bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech at British drugmaker AstraZeneca.

“If our scientists from UP (University of the Philippines) and the FDA will say after thorough evaluation that it is good, then who are we to doubt their findings? Science is the light that will lead us out of pandemic darkness,” sabi ni Recto.

“Knee-jerk reaction against anything Made in China does not help in the fight against Covid-19. And any doubt on any vaccine in particular fuels vaccine hesitancy in general,” sambit pa nito.

Hindi rin umano dapat ikabit ito sa pinag-aagawang teritoryo sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

“We can contest one issue and cooperate on others. At kung bigay ang mga bakunang iyan, we should say ‘Kung Hei Fat Choi and Maraming Salamat Po!” ani Recto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?