6

May 4, 2021 @ 20:32
By

China kay Locsin: Umayos ka!

Hindi pinalagpas ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin ang matatalas na salitang sinambit ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. noong Lunes sa social media account nito.

Sa isang press briefing nitong Martes sa Beijing, pinasaringan ni Wenbin si Locsin kung saan sinabi nito na dapat umayos ng kilos si Locsin sa paraang naaayon sa kanyang estado.

“We hope that [a] certain individual from the Philippine side will mind basic manners and act in ways that suit his status,” ani Wenbin.

Kasunod ito ng naging trending na tweet ni Locsin nitong Lunes kung saan sinabi nito sa China ang mga salitang “O…GET THE F*** OUT,” kaugnay na rin ng hindi niya pagsang-ayon sa presensya ng mga Chinese sa West Philippine Sea.

Bukod pa sa pagpapasaring kay Locsin, nagpaalala rin ang spokesman sa gobyerno ng Pilipinas na irespeto ang kalayaan ng China sa mga lugar na itinuturing nila bilang kanilang nasasakupan.

“China urges the Philippine side to earnestly respect China’s sovereignty and jurisdiction, and stop taking actions that may complicate the situation. Facts have proven time and time again that megaphone diplomacy can only undermine mutual trust rather than change reality,” dagdag pa ni Wenbin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?