217

By

China, kasuhan, hingan ng danyos sa pagsira sa Scarborough Shoal-Carpio

Sharing is caring!

Hinikayat ni Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio ang pamahalaan na singilin ng danyos ang China dahil sa paninira sa coral reef sa Scarborough Shoal.

Ginawa ito ni Carpio sa harap ng mga ulat na pagbubungkal ng mga Chinese fishermen sa coral reef ng nasabing lugar.

Sa pahayag ni Carpio nitong Martes, sinabi nito na dapat magsampa ang Pilipinas ng isa pang kaso laban sa China para panagutin ito sa pagsira sa mga yamang dagat.

Sinabi ni Carpio na nilabag ng China ang obligasyon nito sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea 9UNCLOS) na protektahan ang mga yamang dagat.

Iginiit ni Carpio na labag sa desisyon ng Arbitral Tribunal noong July 12, 2016 ang pagbubulag-bulagan ng Beijing sa pangunguha ng mga Chinese fisherman ng mga giant clam at pagsira nito sa coral reef.

Pwede rin aniyang singilin ng bansa ang China ng danyos sa pagpigil ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal.

Si Carpio ay bahagi ng legal team na idinepensa ang kaso ng Pilipinas laban sa pang-aagaw ng teritoryo China sa International Arbitral Tribunal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?