21

Jan 7, 2021 @ 14:49
By

China ‘di pa kasama sa travel ban ng PH

Tinanong ang Palasyo kung bakit hindi pa pinabilang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China sa travel ban ng Pilipinas bilang pag-iingat sa bagong COVID-19 variant.

“Kasi hindi pa po ‘yan nare-report ng mga international agencies na kumpirmado. Ang alam lang po natin ay media reports,” tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Kung meron namang confirmation, siyempre, isasali rin sila. As of now wala pang confirmation,” aniya pa sa isang online briefing.

Magugunitang inulat ng China na nagpositibo para sa bagong variant ang isang 23-anyos na babae na dumating sa kanila mula United Kingdom.

Sa UK unang namataan ang presensya nitong bagong variant ng coronavirus, na pinaniniwalaang mas nakahahawa kaysa sa orihinal na bersiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?